<!-- --><!-- --><style type="text/css">@import url(http://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/697174003-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=22665786&amp;blogName=euphoria&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://silenteuphoria.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;v=1&amp;homepageUrl=http://silenteuphoria.blogspot.com/&amp;vt=6508477566095557672" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
profile

リズ
Music graduate.
Christian Catholic.

My other pages

multiply HS New Blog PORTFOLIO 1 FB twitter

archives

February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 November 2007 December 2007 January 2008 April 2008 May 2008 July 2008 August 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 June 2009

Ads



credits


layout designer and image: eloquent



date: Wednesday, December 31, 2008
title: Round up (part 1)
time: 11:37 PM

PS. (syempre, nauna ung P.S. haha. Basahin niyo toh ng pinong pino... at baka lumabas ang pangalan niyo 

dito... sooner or later. Ito ang inaabangang ROUND UP. Isang mahabang thought vomit tungkol sa pagtapos natin ng kolehiyo. charing.)



Sa pagsara ng taon meron sana akong gustong maatim... kaso, di pwede dahil bawal daw yun.


ngayon tuloy, iniisip ko kung sa buong taon ba na ito at sa buong taon kong pamamalagi sa BENILDE... eh sinayang ko nga lang ba ang buhay ko... o meron naman din akong napatunayan kahit kaunti sa pamamalagi ko dito.


Di tuloy maiwasan magmunimuni at magbilang kung ilang be

ses nga ba akong umiyak, o may katuturan nga ba ang pagaksaya ko ng luha sa aking pamamalagi... di din maiwasan magtaka kung meron nga bang nakapansin na nalulugmok ako sa hirap... o tulad ng nakasanayan, magaling lang talaga ako magbalatkayo... at wala ni isang nakapansin tulad ng dati.


Syempre kung merong pagbibilang ng luha, meron din pagbibilang ng masasayang alaala. Di ko tuloy alam kung nalampasan ba ng tawa ang luha sa daming pagpaparamdam niya ngayon taon.



**[[Pagpasensyahan ang kadramahang ito. Talagang lumalabas ang pagkamakatha ko kaya mala nobela ang dating ng pagsasalaysay na ito. Meron kasing mga bagay na dapat ilabas mo na lang sa buong madla, kesa kimkimin ang pakiramdam at sa huli, ikaw din ang magmumukhang talunan. hahaha. ano daw? may ganon?]]**



Merong iilang eksena sa utak ko na masasabi kong naging masaya ako. Isa na doon ang Retreat. Ang retreat ay isa sa pinakabigating sintomas na ang isang estudyante ay nalalapit ng magmartsa tungo sa tunay na mundo.


Noong nagretreat, di ko alam kung napansin nila Sarah C. at ni Shushi ang aking pagkaligalig noong napagtanto ko na sila ang makakasama ko sa retreat. Syempre masaya ako dahil sila ang first and only DORM MATES ko. Madami na kaming napagdaanan. Kumbaga sa buong paglalakbay ko sa kolehiyo, kasama ko na sila... rain or shine... tamarin man o hindi... may pasok o wala... sa csb main o sa sda... sa caf o sa jollibee... mrt o lrt... ministop o 7eleven... may songwri man o wala... 


sa lahat... halos ka moment ko sila. hehe. (hindi naman siguro nagiging mushy ito? di kasi ako mushy.)





nabibilang ito sa happy moments dahil mas nakilala ko silang mabuti at masasabi kong di ako nagkamali na kilalanin pa sila ng husto. (Naks!) Naisip ko kasi, sila yung tipo na kung may mangyari man sa akin (which is sana wala), sila ang unang unang makikichismis para kamustahin ako at para maramdaman ko na hindi ako nagiisa. (wow, may ganon?) 


Natutuwa akong naging ka-dorm ko sila. Madami akong natutunan sa kanila... ito ang iilang bagay na na-pick up ko sa kanila:


1. kailangan 2 hours before ka gigising kung gusto mo, picture perfect ang buhok mo.


2. Stress reliever ang umiyak sa gabi.


3. Pwede pala maging blower ang electric fan.


4. Hindi pala dapat ina-araw araw ang shampoo.


5. Maraming ways para maging perfect ang nails mo.


6. Wag hawakan ang pillow ng iba kung ayaw mong masawi. 


7. Pwede kang magimbento ng tono, kahit wala kang hawak na instrumento.


8. hindi lang pala ako ang nagsusulat ng kanta na mataas para saken.


9. Mag ingat sa seesaw baka maipit ang daliri.


10. Wag kalimutan ang susi at ipagdasal na kung sakali na maiwan mo man, sana kupkupin ka ng taga kabilang kwarto.


==*==


Isa sa pinakamasayang moment din other than noong RETREAT at yung DORM ay ang SONG WRITING CLASS.


Dito, masasabi ko na sa hirap ng dinanas ko... kulang ang supply ng blood bank para salinan ako. GANON ka-extreme!!! hehe. Sa sobrang extreme niya... pati pawis ko... DUGO na din.


Dito din nagtuos ang tawa at luha. Akala ko kasi pwede mo lang tawanan ang paninira ng kanta mo ng ibang tao -- or should I say, sirain ng mga nagmamagaling na AMATEURS. Akala ko, pwede kang magpaka-sellout at hayaan mo na lang sila na sirain ang kanta mo ng harap harapan ng hindi ka nasasaktan. Akala ko din, okay lang na sumbatan ka ng directors dahil daw di ka daw umaattend ng practice kahit na ba walang sinasabi sayong schedule yung SUKDULAN NG GALING na stage manager nila.


To make the long story short, I realized how dirty show business can get. They put the blame on others when the problem is too much for them to handle... and when everything is back to normal, they claim that they solved the problem all along. (Ay. biglang umenglish? hahaha. ano ba yan.)


Kahit ganoon ang buhay ko noong songwriting class, dito ko natutunan na hindi lahat ng bagay ay dapat daanin sa init ng ulo. Yun pa naman ang aking kahinaan.


Masasabi ko na ang adhikain ay hindi naging madali, pero ang resulta ng dugo't pawis na pakikipagsapalaran ay nadama ko noong natapos na ang lahat ng pagsubok.


Natamo ng aking grupo ang best song at best sound. Isang malaking dagok para sa mga amateurs at unprofessional na nakatrabaho namin.


Kakaiba lang talaga ang ganti ng kapalaran dahil ako ang sinabihan nilang 'walang ginagawa' - pero yung best song - Isa sa kakapirangot na awards na nakuha nila -- eh ako lang naman po ang nagsulat ng liriko. Pasensya na dahil nainsulto sila dahil wala daw talaga akong ginagawa.



(o diba? ang yabang? wahahaha. syempre, ang honor na yan kasali sina shushiness at c jeff dahil kasali sila sa paglapat ng musika. wala ang award, kung wala din sila.)


==*==


ang sunod naman na nakakatuwang moment, syempre, walang iba kung hindi ang mga birthday blowout ko... yung bday ko na ginanap kina vidaness... kung saan naabutan tayong lahat ng malupitang bagyo! and despite the weather condition, nagpunta pa din kayo. wahahaha. ang alam ko nag signal number 4 ata yun tas inuwi namin ni chasy si Sarah sa Laguna. hehe. lupet. (2nd year pa yun. hehe.) Yung birthday ko din na ginanap sa may kapitolyo... naku po, nakalimutan ko pangalan nung place... something BOY yung name nun... apparently meron din sa south nun. barbeque boy? (memory gap). ah basta. Chaka syempre yung this year medyo memorable kasi, in fairness... naka attend na si shushiness. hehehe. =D consistent ang pagiging absent niya pag bday ko eh... =/


first time na nagpakain ako ng kabatch... usually kasi, painom lagi ang libre ko. Napagtanto ko na napapanahon na pakainin ko ang mga hindi umiinom... tas painumin ko nalang ang mga umiinom. hehe. in short, feeling mayaman ako at dalawa ang naging celebration ko.


Yan ay ang yellow cab celebration ko plus yung post-birthday celebration ko after nung jam namin sa may metrowalk - jj's ata yung name nung place kung saan natapos yun ng mga 3 or 4 am dahil nagpahintay pa yung isang tao dyan. (hulaan niyo kung sino)


Memorable yung yellow cab sa isang medyo mababaw na kadahilanan... hehehe. sa totoo lang, I can't move on kasi binigyan ako ng cake. hehehe. =p favorite cake ko kasi yung mango na lasang ice cream kaya pag naaalala ko yun, kinikilig ako.


hahaha. ang labo!


==*==


Naisip ko din, hindi lahat ng bagay tungkol kay BOY ay nabahidan na. In fairness, nasa listahan kahit papaano ang nagiisang moment na gumawa siya ng effort para sa akin at seryosohang pinasaya ako, guys. 


Ito ang excerpt ng effort... ibabahagi ko yung card -- (dapat yung xmas message ni Monty ang ilalagay ko dito kaso na misplace ko yung cd...) Kaya dapat yun yung ilalagay ko kasi nalaman ko na noong time pala na yun, tapos na yung class pala niya nung 2:30 pm pa... at talagang hinintay nya mag 8pm para makunan siya ng video para sa bday message ko. not to mention may tinaming niya yung bday card ko, guys. Kahit papaano, naging close kami ni BOY. Binugaw ko pa yan para maibahagi sa mundo na marunong siya mag keyboard at meron siyang angking potensyal.




==*==


Isa pa sa mga naging highlights ng aking career (ay! haha. career?) ay ang maging ka-THESIS partner si TJ Fortune. (Yess.. haba ng hair!) Pangalan palang fortunate na ako.. hahaha. (hirit pa eh.) Bakit kamo? hehe. well, simple lang naman ang buhay... sa dinami daming tao... mas malaki ang probability na makikipag-tagteam siya sa ibang tao kesa saken.


Happy ako dahil it's a first. Never ko pa siyang naka-partner sa kahit ano... di ko alam kung sinasadya niya ba o talagang ayaw niya lang talaga ako maging partner dahil may hidden galit pala siya saken. wahaha. joke lang. =p nage-emote lang ako. charing.


alam mo, TJ. One of a kind ka. Ewan ko kung bakit minsan eh... nagiging insecure ka. Ang labo nga dahil habang kinaiinggitan ka ng buong madla... feel na feel mo naman na walang nakaka-appreciate sayo. Haller. Parang ininsulto mo lang ang existence namin. hehe. at ni Maite.


Isa kang malaking kawalan ng Blue Eagles dahil hindi nila alam kung ano ang pinakawalan nila. (Naks!)


((On a serious note... para sa pamilya mo yung linyang yun... half meant yung sa blue eagles. haha))


Masaya ako dahil isa ka sa dahilan kung bakit DL ako this term. hihihihi. Can't help but laugh. anlabo pero kinikilig nanaman ako sa tuwa.


TJ, kitakits sa trabaho. hehe. Ikaw ay binugaw ko (at binugaw ka din ni Shushiness kaya pasalamatan mo din siya. hehe.) dahil naniniwala kami sa iyong kakayahan at potensyal bilang isang musikero. Pag ang puso at diwa mo ang ginawa mong puhunan  sa iyong trabaho, naniniwala akong lagpas pa sa excellent ang gawa mo... kumbaga sa IQ test, SUPERIOR ang grado mo. =D


Ay, isa pang advice... kunin mo lang ang makakaya mong gawin. May tendecy ka kasing maging masochistic... Kaya bilang kaibigan mo, matuto kang tumangi. Yan din ang advice ko para sa pamilya mo... Hindi ka ACHAY, 'day! Magandang pagsilbihan mo sila... pero merong kaibahan ang pakiusap at utos... kesa sa pang-aapi! yun lang naman. bow.


==*==


OctoberFEST with Vidaness.


Isa ito sa highlight ng taon ko... Biruin nyo, nakita ko ang third eye blind ng up close and personal! hehehe. although I have no pictures to prove it, May pic ako ni vida na kasama niya yung vocalist. hehehe. Syempre, masaya ako dahil kung wala si Vida, walang inside access sa backstage.


Di tuloy ako naniniwala na introvert si Vidaness. hehehe. Walang introvert na nakikipagkaibigan sa hindi kilala. hahaha. Ibang klase ka talaga, Vida. Sana yung change mo, tuloy tuloy.


Naging masaya ako noong panahon na yun dahil nakabonding ko si Vidavids after a very long time. In fairness naman kay Vida, isa siya sa mga una kong nakasamang magliwaliw sa kolehiyo... Puro Gig after Gig... after Gig...Lagi nalang siya ang kasama ko... and paminsan minsan, si Chasy din. Halos ganon ang routine namin noong frosh... Hanggang sa nagkasawaan na kaming manood ng gig at nanood na lang kami ng sine at nag food trip nalang.


(uy, Vida... di pa natutuloy yung saisaki marathon naten.)


==*==


Tagaytay escapades with Chasy and James C.


Minsan, impulse lang ang usapan... and before we can bat an eyelash... kumakain na kami ng Crispy pata sa Max sa Tagaytay. Humihithit at bumubuga ng malinis na hangin o kaya'y umiinom na kami sa may Starbucks... Asta ba'y parang 30 minutes away lang kami sa Maynila. Ganoon ang trip namin nila Chasy noon. Although di pa kami close ni Klemmerness noon... Masayang kabonding silang dalawa (provided na dapat sober si Klemmerness. wahahaha. peace.)


Actually lahat ng Tagaytay trips ko masaya... Maisasama mo na dito ang masayang birthday bash ni Sarahness dun sa lugar nila Elizalde. It's very picturesque... ang sarap balikan... magpapaka-photographer ako. Or di kaya.... magmo-moment ako dun... di ka kasi mauubusan ng inspiration dun dahil exterior palang, pwede ka na gumawa ng lovesong. ehehehe. Ganon ang drama. Eh ano pa kaya kung andun ka sa may pool... at may hawak kang blankong papel... Makakagawa ka na ng symphony. (okay... medyo OA, pero ang ganda kasi nung lugar talaga... It's a silent work of art. hahaha. may ganon?)


I remembered... noong nandun sa Elizalde... Priceless yung moment kasi hinika ako noon at si Jeff... imbis na tulungan ako... nagkwento pa siya tungkol sa Uncle niyang hinihika noong araw. (o dba? at least kahit hinihika na ako... naalala ko pa yung kwento ni Jeff. wahahaha.)


Marami akong natutunan at narealize sa Elizalde, in fairness naman. Ito ang iilan sa mga iyon:


1. Narealize ko na madaldal talaga ang mga lalaki. Kahit ako, isang madaldal na nilalang din... ay sumuko sa powers ni Jeff. hehe.


2. Pag pinagsama mo si Vida at si Jeff... Everlasting ang kwento, men! Matatawa ka nalang dahil lahat wasak na... naguusap pa din ang dalawa.


3. Meron din palang vain na hiphop. hahahaha.


4. Magandang idea ang may bedroom sa tabi ng pool... Maganda ang lighting. Very idyllic and artsy fartsy.


5. Marami kang matutunan kung titignan mo ang isang natatanging kwento sa iba't ibang angulo.


6. Masarap talaga ang buko pie.


7. Nakakatuwang mag racquetball sa basement. magandang hobby yun at talagang papayat ka.


8.  Kakaiba nga talaga ang collection ng isang mayamang tao. (To the point na pati lalagyanan ng sorbetes eh pinatos na din.)


9. Nakakawala ng init ng ulo ang malamig na panahon. Mas effective pa sa anger management.


10. Iba talaga ang hangin ng Tagaytay kesa sa Maynila... nakakalungkot tuloy alalahanin.


===*===


Actually mahaba pa ito. hehe. abangan ang part 2. =p wala pa yung drama eh... chaka medyo, pagod na ako. hahahahaha.




date: Saturday, December 27, 2008
title: Post holiday syndrome
time: 5:08 PM


I feel so down today... kaya ang labo dahil there's nothing to be sad about.

Di ko tuloy alam kung dahil ba ito sa pending grad sa Feb... or dahil pagdating ng January... Di na ako pwede mamalusot.

I am armed with the right tools to walk right through the real world but somehow, there's something pulling me back. It might be some of my old insecurities... pero bat kasi now lang siya lumalabas??? at bakit may relapse? 

Kakatapos lang ng pasko tas todo drama mode naman ako. Parang tanga lang ng isa't kalahati. 

Kung mapagbibigyan... I honestly don't want to feel this way kasi gumagawa ako ng mushy love song na ipapakanta ko or ibibigay ko kay Sarah Caballero sa future. In fairness, BALLAD. hahaha. 

Kung maririnig niyo lang yung songs na ginagawa ko before nung ballad... hihimatayin kayo.. Super diverse. hahaha. pati ako nalito at nabobo dahil nagpapakamushy ako. Iba ang attack niya dahil piano siya tas lalagyan ko ng strings un at chorale pag sinipag.

Naisip ko tuloy na since hindi mushy person c Sarah (and ako din pala, for that matter. haha) Kung tatangihan niya yung kanta... Sana kantahin ni Lani Misalucha... hahaha. TAAS NG PANGARAP.

Prior to that song, puro alternative and house music ang ginagawa ko. Takte, so weird. Pati House music sinasabak ko na. Naghahanap nga ako ngayon ng patches for world. Gusto ko talaga ng African music... and since I can't find anything I want... ako nalang gagawa ng sarili kong sound trip. hahaha.

Nga pala, just so you'd know... kahit wala na nagbabasa nitong dead blog kong ito... Kung sakaling mapadaan ang mga friends ko... high school friends... I have a band na pala. I remembered na napaka supportive niyo saken at todong pinipilit niyo ko magbanda ever since nung sumali ako sa mga songfest... hehe.

Sorry dahil tinangihan ko ang mga offers niyo. (haha. feeling ang daming nag alok) During that time, I felt that I wasn't worthy enough to be in a band. Nangangain ng oras yun. haha. feeling talaga. Pero regardless, yun na nga... this time, sineryoso ko na since graduate na ako. FINALLY. Ayoko sumabak sa ganon ng basta basta lang. I'm not doing this for the fame... or basta lang makiuso. I'm here for the music. This time I can honestly say that I know what I'm doing... and I have four years of college education to prove it. Hindi ako nag AB-Music Production para lang maging sellout at makiuso.

I believe that my batch, and the batches before me are here to change the flow and make the music more intellectual. Haha. feeling talaga. Sorry. Madaming dapat baguhin at ayusin kasi. 

Ang buong pag-aaral ko ng Musika ay isang matinding AWAKENING. Kung alam niyo lang... it's a very tempting industry... pero it has a lot of flaws.

Anyway, bago ko pa ikwento ang prinsipyo ko sa musika... kailangan tapusin ko na itong entry na ito. In born ang kadaldalan ko. hahahhaa.

Sana di umulan. (haha. san galing yun?)

Eh kasi... pag umulan.. baka mas lalo akong magdepre-depressan tas ako nanaman ang talo...

tas ung lovesong na para kay Sarah and/or Lani Misalucha... di pa matapos. haha.

Guys... HELPPP... ayoko ng ganito... hindi kasi ako EMO. haha. Pop ako! =s



date: Wednesday, December 24, 2008
title: Mensahe.
time: 6:53 PM

I love you, guys! hehe. Wala akong load. mahirap ako... kaya ayun. dito nalang. take care.

Merry Christmas and God Bless!




date: Monday, December 22, 2008
title: Award winning question
time: 6:54 AM


After all that's been said and done...

Why am I still standing here?
Why do I feel the need to exhaust myself just to gain a couple of z's?

and why can't I move on?

I'm starting to sense another tragedy here...



and the sad thing about it is that... I'm still up... Physically, mentally and emotionally drained...
I've been awake for like 24 hours now...

and still... I CAN'T SLEEP!!!!!!!!!!

No wonder I faint a lot lately. Weird. Weird. WEIRD!!!!



date: Sunday, December 07, 2008
title: Heartfelt passion in every note
time: 5:23 AM



I was prepared for the worst when I placed the CD of 'Once' in my player. I wasn't really expecting anything from it since the reason I had it was due to a 'Buy 1 take 1' promo in a movie shop.

I was hoping in vain that the CD I picked was something worth while... I had a lot of hapless moments when I ran out of movie options to purchase... Thank God, it wasn't among them...

'ONCE' turned out to be the exact opposite of what I expected.

It was something much better...

The duet part actually gave me goosebumps. It was THAT GOOD. It felt so sincere and the way they just sang it brought the intent and the passion in a much profound level.

I recommend everyone to watch the film... Especially if you're a music lover or a music student like me...

It's the kind of music that we all hope to make... Heartfelt, sincere and beautiful.

The song won an oscar for the movie, by the way. And I never doubted why...

ONCE may be one of the best films that were not overly advertised. (this may be the reason why only limited people knew about it)

I hope to write something as true and as passionate someday. ONCE is a love story of 2 different people bound together by music.

Watch it and you won't be disappointed.

Over and Out.



date: Wednesday, December 03, 2008
title: Cakes and Tears
time: 12:19 AM


GRABE! I Can't move on... hehe. thank you James C. (my band's future producer) hahaha para sa cake. I love it. Once you pop, you can't stop. Charing! =p




Salamat ulit sa mga bumati. I love my cake. =D



date: Tuesday, December 02, 2008
title: THANK YOU LIST
time: 8:23 AM


Maraming Salamat sa mga taong bumati sa akin kahapon, akala ko nakalimutan niyo na... (karma siguro dahil meron akong memory gap. haha)

Sa sobrang dami niyong hindi nakalimot, kinailangan ko pang patahimikin ang cellphone ko (take note, dalawa pa silang nagdu-duet), para lang makatulog ako... Consistent eh, by the hour o kada 4 mins ata simula noong pumatak ang 12:00! Haha. Parang pang-artista lang. haha.

Kaya naman kung minsan, di maiwasan hindi na mareplyan ang kasunod niyong text dahil umaapaw na siya. Kaya pasensya kung pagkatapos ko mag-thank you sa text, minsan, di marereplyan yung susunod na mensahe ng pangangamusta... Madaling araw na iyon, at yung utak ko medyo ngarag kasi either may nagtext pa ulit, o may tumawag naman.

SOSYAL. haha.

Una sa listahan ng pasasalamat ay ang mga kapatid kong hindi umalis sa kama ko para batiin ako ng sakto sa aking kaarawan.

Salamat naman sa mga sunod-sunod na nag-YM saken dahil nagkataon, naglalaro ako ng facebook application noong panahon na iyon kaya naabutan akong batiin. haha.

Anyway, isang mahabang THANK YOU pa ito so sisimulan ko na:

Salamat kina France & James L. / Francis Josef / Mario Consunji / Maite ni TJ / James Klemer/ Monty Mayo / Hazel Tan / TJ Fortune / Tita Celle (haha, nauna pa sa anak niya) / Dad & Ma (hehe.) / Christine Mercado / Dianne Claveria / Guitang (uy, nagulat ako ah. =D nakakatuwa) / Incez Leynes / Sarah Caballero (future officemate!)/ Richelle Dionisio / Vidavids / Noe sis / Shushiness (officemate!) / Liza Castrillo / Winchel D. / Lawrence Napoco / Diana Peng / Elroy Montano / Lean Maro (hehe.) / Bamboo Bhoj / Nikki De Leon / AG Community / Ms. Andrea / Sarah Hethcoat / Underminer (band?)/ Mary Magdalene (thanks for the free album. hehe.) / Weijd Chung / Migs (prod)/ Casiano Clan (take note, CLAN... masyadong madami) / Lorenzo Clan (ito din. haha) / Aaron B. (humabol pa)

yung iba pa, di ko na makalkal sa phone ko. Basta thank you talaga.

=) ingat.